DAGUPAN CITY- Arestado ang isang babae sa isinagawang buy bust operation sa barangay Macalong sa nasabing bayan kung saan nakumpiska dito ang nasa .2 grams na may halagang 1360 pesos.

Ayon kay Ayon kay Pmaj. Katelyne May Awingan ang Chief of Police ng Asingan Police Station, nagpag-alaman na ang suspek ay residente sa nasabing bayan ngunit nagkakaroon na din ito ng transaksyon sa bayan ng Binalonan at lungsod ng Urdaneta.

Bukod sa nakuhang droga at drug paraphernalia may impormasyon rin na maaaring may tinatago pa itong suplay ng hinihinalanh droga sa kanyang tirahan.

--Ads--

Dagdag naman ni Pmaj. Awingan sumailalim naman aniya ang mga ebidensya sa pagsusuri ng SOCO, at lumabas na positibo ang urine sample ng suspek sa methamphetamine hydrochloride o shabu.

Sa kasalukuyan, siya ay nasa kustodiya ng PNP Asingan habang hinihintay ang susunod na aksyon mula sa Fiscal’s Office.

Sa taong ito, ito na ang ikalawang buy-bust operation na naitala ng PNP Asingan, kasabay ng pagsasagawa nila ng mga operasyon laban sa loose firearms.

Maliban sa pagtutok sa iligal na droga, patuloy rin nilang sinusubaybayan ang mga hindi rehistradong baril upang mapanatili ang kapayapaan sa komunidad.

Samantala, nagpapatuloy ang kanilang Comelec Gun ban ngayong nalalapit na eleksyon kung saan wala pa naman aniya silang nahulihan ng baril sa kanilang nasasakupan.