Mga kabombo! Isa ka rin ba sa mga mahilig magpaamoy ng utot?

Baka ito na ang wake-up call sayo na hindi ito ligtas sa kalusugan.

Hindi kasi biro ang sinapit ng isang babae sa United States matapos magkaroon nang matinding impeksiyon sa sinus na nagsimula mula sa utot ng kanyang boyfriend!

--Ads--

Ayon sa ulat, kinilala ang babae na si Christine, kung saan habang siya ay nakahiga sa kama ay nagbibihis naman ang kanyang nobyo at hindi sinasadyang nagpakawala ito nang matinding utot na nakadiretso naman sa kanyang mukha.

Nang mangyari ito, hindi agad sineryoso ng dalawa at tumawa pa ang mga ito. Ngunit makalipas umano ng ilang araw, unti-unting nakaramdam si Christine ng baradong ilong, matinding sakit ng ulo, at paulit-ulit na sipon at lagnat.

Dito na lumala ang sintomas at tumagal nang ilang taon, kaya napilitan siyang kumunsulta sa ilang espesyalista.

Napag-alaman na mayroong Escherichia coli o E. coli bacteria si Christine sa kanyang sinus—isang bihirang kaso, dahil ang E. coli ay kadalasang matatagpuan sa bituka at hindi sa ilong.

Ayon sa mga eksperto, posible raw na pumasok ang bacteria sa katawan ni Christine dahil mahina ang kanyang immune system dulot ng operasyon, kaya hindi agad ito napigilan ng kanyang katawan at naging chronic infection.

Dahil dito, kinailangan nang tuluyang tang­galin ang infected na tissue sa kanyang ilong.

Paalala naman ng mga eksperto na huwag balewalain ang mga sintomas na tila simpleng sipon lang, lalo na kung tumatagal o palaging bumabalik.