ATTENTION FUR PARENTS! Anong mararamdaman niyo kung bibigyan ng tattoo ang inyong furbabies?

Kaya niyo bang payagan ito kahit walang anesthesia?

Usap-usapan kasi ngayon ang isang Mexican hairless dog na puno ng makukulay na tattoo sa ginanap na Pet Fair Asia sa Shanghai, China.

--Ads--

Sa unang tingin kasi inakala ng fair attendees na ordinaryong drawing lang ang nasa katawan ng aso.

Kaya ganun na lang ang pagkagulat nila nang malamang authentic ang tattoo.

Makikita rin ang dragon tattoo mula sa likod hanggang sa upper limbs nito.

Nakasuot din ito ng gold chain at may wristwatch sa kanang paa sa unahan.

Hindi matiyak kung ilang taon na ang aso, na sinasabing “one of the world’s oldest and rarest breeds”. At ang iba’y kinilala ito bilang Mexican hairless dogs na inilarawang mga dog websites bilang “intelligent, even-tempered, affectionate and playful.”

Nang ipost ito agad na umani ng samu’t saring reaksyon, sa comments section, ibinahagi ng mga dumalo sa pet fair na ang mismong may-ari ng aso ang naghihikayat sa fair attendees na magpakuha ng picture.

Proud pa raw ito sa pagsasabing hindi sinaksakan ng anumang pampamanhid ang aso nung nilagyan ng tattoo.

Binuhat pa niya ang alaga hawak ang balat ng leeg saka sinabing: “See? It does not hurt at all. It feels nothing.”

Pero ayon sa mga netizens na present sa fair, nakita nilang sobrang distressed ang aso dahil sa ginagawa ng amo.

May mga nakakita rin sa sugat ng aso sa mga paa nito.

At ang sabi pa umano ng dog owner sa fair attendees ay kaya niyang i-arrange na malagyan din ng tattoo ang mga alagang aso nila.

Ang pahayag na ito ay lalong ikinagalit ng mga animal rights activists.

Dahil sa reactions ng netizens, umaksiyon ang event organizers at inianunsiyong pagbabawalan na ang may-ari sa Mexican hairless dog na makapasok pang muli sa venue ng sikat na pet fair.