Mga kabombo! Ano ang kaya mong gawin para matakasan ang sustento sa inabandona mong pamilya?

Isa kasi ang pagtatago sa naging solusyon ng isang ama sa Russia!

Kung saan umabot na ito sa puntong taun-taong pagpapalit ng kaniyang pangalan.

--Ads--

Ayon kay Roman Korenev, ang pinuno ng bailiff service (ahensyang responsable sa pagkolekta ng mga bayarin) sa Tyumen, ang nasabing lalaki ay legal na pina­palitan ang kanyang buong pangalan.

Hanggang sa makalipas ng isang taon, ibinabalik niya umano ito sa dati niyang pangalan, at muling inuulit ang buong proseso.

Ang layunin umano nito ay para malito ang mga awto­ridad, makaiwas sa mga bailiff, at “ma-zero” o mabura ang kanyang utang na child support.

Gayunman, nilinaw ni Korenev na ang modus ng lalaki ay “walang silbi.”

Dito na niya ipinaliwanag na kapag nagpalit ng pangalan ang isang tao, ang registry office (katumbas ng Civil Registrar) ay awtomatikong inire­report ang impormasyong ito sa mga bailiff kaya hindi makatatakas ang may utang sa pagbabayad ng child support sa ganitong paraan.

Hindi ito ang unang beses na nakaranas ang mga awto­ridad sa Tyumen, Russia ng mga kakaibang palusot.

Ibinahagi rin nila na may isang lalaking nagpanggap na may agoraphobia (matin­ding takot na lumabas ng bahay) para lang hindi mapasok ng mga bailiff ang kanyang tahanan upang makumpiska ang ari-arian.