‘Literal na napatalon sa tuwa’
Ganyan isinalarawan ni Atty. Arman Hernando – Bar Exam Passer ang kaniyang naramdaman matapos makita ang pangalan nito sa mga mapalad na nakapasa sa kakalabas lamang na resulta ng 2024 Bar Examinations.
Bagamat ay hindi naging madali ang kaniyang journey sa pagpasok sa abogasya, bilang aktibista ay inisip niya noong una na dehado ito at mahihirap lamang dahil sa tingin niya ay mas mababa ang tyansa niya kumpara sa mga ibang takers lalo na at hati ang kaniyang oras bilang isa ding working student.
Gayunpaman, dahil sa kagustuhan nito na magbigay serbisyo lalo na sa mga ordinaryong mamamayan ay inigihan niya lalo at ngayon ay nagbunga na ang kaniyang mga sakripisyo at paghihirap.
Ibinahagi naman nito na ilan sa kaniyang mga pinagdaanan bilang working student ay kailangan talaga ng maraming diskarte para makayanan ang law school dahil kapag hindi ka nag-aral o hindi mo gagawin ang mga assigned cases ay hindi mo maisasalba ang iyong mga tuntunin.
Bilang isa ding assistant sa mga laborers bago naging isang ganap na abogado ay nais niyang maging engaged at involved sa adbokasiya kung paano sinusuri at nirerebisa ang mga batas gayundin ang pagsusulong ng mga batas na papabor sa mga ordinaryong mga mamamayan.
Mensahe naman nito sa mga kapwa niya Bar takers aniya anuman ang naging resulta ay bunga ito ng kanilang sakripisyo at paghihirap.
Buong pasasalamat din ito sa mga organisasyong kaniyang kinabibilangan sa kanilang ibinigay na suporta at tiwala sakanya.