Ipinaliwanag ng isang abogado na mayroong kapangyarihan ang lahat ng mga miyembro ng kongreso at House of Representatives na magpatalsik ng kanilang kasamahan kahit na duly elected ito sa kaniyang distrito.
Ito ay ayon kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, ang Constitutional/Street Lawyer ng bayan ng Mangaldan kaugnay sa ipapataw na 60 days suspension bilang kongresman kay Negros Oriental 3rd district representative Arnolfo Teves Jr.
Aniya dahil sa kasong pagkakasangkot ni Teves sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, nabigyan siya ng kautusan galing sa Speaker ng House of Representatives na bumalik ito ng Pilipinas pagkatapos ng hanggang March 9 nitong travel leave ngunit hindi siya rito tumugon kung kaya’t obligado umano siyang mag-report sa kongreso.
Kung wala sana aniyang inihain na kaso laban sa kaniya ay hindi na mapapansin ng kongreso ang absences nito ngunit dahil wala itong report, namarkahan siya ng Absent Without Official Leave (AWOL).
Kaugnay pa nito hindi pa sinasabi ang pagkaka-involved niya sa pagkakamatay kay Governor Degamo dahil papatunayan pa rin aniya ito sa korte na kasalukuyan paring nasa piskalya dahil hindi pa nakakapag-sumite si Teves ng kaniyang counter affidavit.