Sabi nga sa isang kasabihan, “Don’t judge the book by it’s cover.” Kaya 59 taon ulang man si DonnaJean Wilde ng Beazar, Alberta, sa Canada ay kayang-kaya pa rin nitong makipagsabayan sa palakasan.

Nagawang makamit ni Wilde ang kaniyang pangalawang Guinness World Records Title matapos makagawa ng 1,575 bilang ng pushup sa loob ng isang oras.

Bagaman isang oras ito, sa loob lamang ng 43 minutes nang mahigitan ang naunang titulo para sa female category ng ‘most pushups in one hour’.

--Ads--

Kaniyang ikinatuwa ito subalit nilabanan niya ang kaniyang nararamdaman upang makamit pa ang mas mataas na bilang.

Nauna nang nakapagtala si Wilde sa may pinakamahabang abdominal plank position sa female category kung saan nagawa niyang tumagal ng 4 na oras, 30 minuto, at 11 segundo.

Ito kaniyang training sa record na ito ang naghanda sa kaniya sa pushup title.

Dinaluhan naman ng kaniyang 11 mga apo ang pagsubok sa pangalawa niyang titulo.