Mga kabombo! Gaano ka pa rin ka-bitter sa iyong past relationship? Hindi mo pa rin ba matanggap at hirap kang maka-move on?

Tila hindi maka-get over ang isang 50 anyos na lalaki sa Washington, USA dahil kaniyang pinasok ang bahay ng kaniyang dating nobya at kidnappin ang paborito nitong manok na pinangalanang Polly.

Nang makuha ang manok, ilang ulit nitong pinagsisigaw ang katagang “I’ve got Polly” bago ito umalis sa bahay ng kaniyang ex-girlfriend.

--Ads--

Ayon sa opisina ng Kitsap County Sheriff, nakatanggap sila ng tawag hinggil umano sa isang insidente ng kidnapping.

Batay sa video ng kanilang pagresponde, kanilang natagpuan ang suspek sa nasabing kidnapping sa kakahuyan habang ito ay mahigpit na nakakapit sa paboritong manok ng kaniyang nobya.

Hindi tulad ng ibang kaso ng kidnapping, hindi umano matapang at nanlalaban ang suspek, bagkus, emosyonal ito at mistulang nagmamakaawang huwag saktan si Polly.

Nilapitan naman siya ng mga kapulisan habang ito ay pinasusuko at sagipin ang naturang manok.

Kita rin ang pagmamahal ng suspek kay Polly dahil kaniyang kinakausap ito habang isinakay sila sa police mobile.

Nahaharap naman ang lalaki sa 10 taon pagkakakulong at may multang $20,000 o katumbas ng mahigit P1.1 milyon para sa kasong residential burglary.

Dagdag ito sa parusang isang taon na pagkakabilanggo at multang $5,000 o mahigit P280,000 para sa violation ng court order.

Mayroon na kaseng court protection order ang dati niyang nobya laban sa kaniya dahil sa hindi maganda ang kanilang naging relasyon.