DAGUPAN CITY- Himas rehas ang isang 45 anyos na lalaki sa Brgy. Banaoang, Mangaldan, Pangasinan matapos makuhanan ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation.
Ayon kay Pol.Capt. Hernando Martinez, Deputy Officer ng Mangaldan MPS, kinilala ang suspek na si Hermando Fabia alyas “Arman”, walang trabaho, may kalive-in, at residente ng nasabing lugar.
Nakuhanan ito ng isang heat-sealed na transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu. Ang kabuuang timbang ng nakuha ay nasa 2 gramo at may tinatayang halaga na Php13,600.00. Kasama rin sa mga nakumpiska ang 500 daang piso.
Ang nahuling suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Mangaldan PNP.
Nahaharap naman ito sa kasong paglabag sa Republic Act no. 9165 sa ilalim ng Sec. 5 at 11.
Habang patuloy ang imbestigasyon ukol sa insidente upang malaman ang posibleng koneksyon nito kung may mas malawak pang operasyon ng iligal na droga sa bayan.
Ayon pa kay Martinez, ngayong buwan Ito pa lamang ang kauna-unahang kaso ng ilegal na droga sa kanilang lugar.
Dagdag pa niya na ang operasyon ay bahagi ng patuloy na laban ng mga awtoridad kontra droga sa bayan, na naglalayong mapanatili ang kaligtasan ng komunidad.
Aniya Mahalaga ang pakikipagtulungan ng komunidad upang masugpo ang problema sa droga. Hinihikayat nila ang lahat na makipag-ugnayan sakanila kung mayroong impormasyon tungkol sa mga iligal na aktibidad sa bayan.