DAGUPAN CITY- Hindi na umabot pang buhay ang isang 43 taon gulang na drayber ng isang motorsiklo matapos makipagsalpukan sa isang tricycle sa bayan ng Bugallon.

Ayon kay PMaj. Ramsey Ganaban, Chief of Police ng Bugallon PNP, kinilala ang nagmamaneho ng motorsiklo na si Erwin Salazar, promi dicer, may lisensyan at residente ng Brgy. Umanday, sa bayan ng Bugallon. Habang kinilala naman ang nagmamaneho ng tricycle na si Algemn Lopez, 32 anyos, vendor, walang lisensya, at residente ng Sitio Orno, Brgy. Poblacion, sa parehong bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon, 2:25 ng madaling araw nang tinatahak ni Salazar ang daan ng Romulo Highway, Brgy, Poblacion, sa naturang bayan patungo sa direksyon ng timog, habang sa kabilang direksyon naman si Lopez.

--Ads--

Mabilis umano ang pagpapatakbo ni Lopez hanggang sa bigla itong lumiko pakaliwa na siyang naging sanhi ng pagkakabangga ni Salazar sakaniya.

Dahil dito, tumilapon ang dalawang motorista sa kalsada at nagtamo ng sugat sa ulo at katawan.

Dinala naman ang mga biktima sa Lingayen Disitric Hospital subalit, sa kasamaang palad ay dineklarang dead on arrival si Salazar.

Samantala, positibo naman ang resulta sa AB Test ni Lopez.

Maaari naman maharap sa reckless imprudence resulting to homicide.