BOMBO DAGUPAN- Nakipaghabulan ang dalawang jurors at isang detective sa korte ng Skowhegan Maine sa Estados Unidos nang subukang tumakas ng isang 31 anyos na lalaking nahatulan ng kasong child assault.

Nakaposas pang tumakbo palabas ng korte si Nicholas Carter matapos nitong hatulan ng “guilty” dahil sa pag-atake niya sa isang 14-month-old na bata.

Makikita sa inilabas na video, nagawa pang malagpasan ni Carter ang dalawang humarang sa kaniya sa hallway ng korte.

--Ads--

Nahuli naman siya matapos niyang madapa sa labas ng korte kung saan na siya muling hinuli ng dalawang juror at isang detective.

Samantala, inaasahan naman sa darating na mga linggo na mahaharap ito sa kasong aggravated assault.