Nahulihan ng nasa 8 gramo ng hinihinalang shabu ang isang tricycle drive na lalaking nasa 29-anyos sa bayan ng Balungao dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ay matapos magsagawa ang Balungao Municipal Police Station ng buy bust operation sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1 at Target Intelligence Packet.

Kinilala ang suspek bilang residente sa nasabing bayan na matagal minanmanan ng kapulisan dahil sa mga illegal na aktibidad bago isagawa ang operasyon.

--Ads--

Kabilang din ang suspek sa itinuturing na streel level individual.

Tinatayang umaabot sa PhP54,400.00 ang halaga ng nakumpiskang shabu habang nakumpiska din ang ilan pang drug paraphernalia kasama ang Isang (1) piraso ng tunay na PhP100.00 na ginamit bilang buy-bust money, labinlimang (15) piraso ng PhP1,000.00 na boodle money, at iba pa…

Samantala, isinagawa naman on site ang pag-iimbentaryo at pagmamarka sa mga ebidensya sa presensya ng mga mandatory witnesses at ng suspek bilang pagsunod sa itinatakda ng batas.

Kasalukuyan na ngayong nakakulong ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.