Dumulog sa himpilan ng San Nicolas Police Station kamakailan ang isang 28 anyos na lalaki, matapos itong pagnakawan ng mga lasing.

Ayon kay PCAPT. George Banayos, ang siyang OIC ng San Nicolas PNP, kinilala ang biktima na si Ivan Somera, negosyante at residente mula sa Brgy. Poblacion West, San Nicolas habang ang mga suspek naman ay kinilalang sina Filbert Gatmen, 48 taong gulang at Joemark Lopez alyas Malting, 31 taong gulang kapwa construction worker at residente mula sa brgy. Nagkaysa sa parehong bayan.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nakaparada lamang ang tri-bike food cart ng biktima sa harap mismo ng kanilang bahay na naglalaman ng food steamer at 5kls LPG tank.

--Ads--

Sa kuha ng CCTV footage, nakitang nilapitan ito ng dalawang suspek saka nilimas ang mga gamit.

Sa interogasyon sa panig ng mga suspek, aminado ang mga ito sa kanilang ginawa at bunsod na din ng pagiging lango sa alak ng mga sandaling iyon, at nataon pang nakakita ng oportunidad sa pwesto ng biktima kaya naman naisakatuparan ang krimen.

Kasong theft ang kinakaharap ngayon nina Gatmen at Lopez at kasalukuyan pa ding nakapiit sa kanilang himpilan.

Paalala ni Banayos sa publiko, ugaliing mag ingat upang makaiwas sa anumang uri ng krimen.

TINIG NI PCAPT. GEORGE BANAYOS

Giit nito na hindi din titigil ang kanilang hanay sa pag aresto sa mga indibidwal na gumagawa ng kalokohan.