Dagupan City – Kulong ang isang 18-anyos na lalaki sa bayan ng Tayug matapos maaresto ng kapulisan dahil sa pagiging sangkot
sa illegal na droga.
Nahuli ito dahil sa isingawang buy bust operation ng Tayug Municipal Police Station sa Brgy. Evangelista.
Ang operasyon, na naganap mula 1:05 PM hanggang 1:50 PM, ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1 at Target Intelligence Packet (TIP).
Kinilala ang suspek na residente rin ng Tayug at nagtatrabaho bilang construction worker.
Nakumpiska sa operasyon ang 1.70 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na PhP11,560.00, na nakalagay sa dalawang heat-sealed transparent plastic sachets.
Bukod dito, nakuha rin ang isang genuine five-hundred-peso bill na ginamit bilang buy-bust money.
Ang inventory at pagmamarka ng mga ebidensya ay ginawa on-site sa presensya ng mga mandatory witnesses, alinsunod sa itinatakda ng batas, at ng suspek.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang posibleng kasabwat ng suspek.