DAGUPAN CITY- Limang-daan piso (P500) ang naging mitya ng buhay ng isang 18 anyos na binata sa bayan ng Malasiqui matapos pagsasaksakin ng kaniyan tiyuhin.

Ayon kay PLt. Col Garry Anthony Casem, Officer-in-charge sa Malasiqui PNP, kinilala ang biktima na si Omar John Manangan, habang ang suspek naman ay si Willy Manangan, 41 anyos.

Aniya, pinagbibintangan umano ng suspek ang kaniyang pamangkin na ninakaw ang kaniyang P500.

--Ads--

Pinaniniwalaan kase umano na gagamitin ito ng suspek na pambili ng iligal na droga.

Hanggang sa hindi na magkasundo ang mga ito at nauwi sa pananaksak ng ice pick.

Agad naman tinakbo sa ospital ang biktima subalit, idineklara rin itong dead-on-arrival.

Samantala, naging mabilis naman ang pagresponde ng mga kapulisan at agad din naaresto ang suspek.

Kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng Malasiqui PNP ang suspek at nahaharap sa kasong murder.

Desidido naman ang pamilya ng biktima na ipagpatuloy ang pagkaso sa suspek.

Dagdag pa ni PLt. Col. Casem na ito ang kauna-unahang alitan ng dalawa.