DAGUPAN CITY- Nasawi ang isa sa tatlong magkakaklaseng dumayo pa mula sa sa lungsod ng Baguio nang naligo sa dagat sa lungsod ng Dagupan matapos itong malunod.
Ayon kay Police Lieutenant Salvador Cacho, Admin Officer ng PNP Dagupan, habang lumalangoy ang tatlong magkakaklase sa dagat ay bigla na lamang tinangay ang isa sa kanila sa mas malalim na parte ng dagat.
Sinubukan pang respondehan ng mga kasamahan ang biktima ngunit sa lakas ng alon, bigo silang mailigtas ito.
Ilang minuto lang matapos ang insidente ay dumating ang rescue team upang respondehan ang nasabing insidente.
Agad namang itinakbo ng mga awtoridad ang babae ngunit idineklara na itong dead on arrival.
Sa ngayon ay naiuwi na ang biktima sa lungsod ng Baguio at kasalukuyan ng pinagluluksaan ng kanyang pamilya.
Ayon sa opisyal, ito ang unang kaso ng pagkalunod ngayong taon sa lungsod.