Arestado ang tinaguriang Top 1 Most Wanted Person Provincial Level at isa sa suspek sa kasong pang aambush kay dating Pangasinan governor Amado Espino Jr sa barangay Camambigan, sa bayan ng Urbiztondo, dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Kinilala ang naaresto na si Paraon Calugay ALIAS “Pong Tamondong”, 46 anyos, may asawa, construction worker, at resident ng Brgy Camambugan, Urbiztondo.
Naaresto ito ng pinagsanib na mga elemento ng PPO (lead unit), PPO SWAT at Urbiztondo PNP.
Patong patong ang kaso nito na kinabibilangan ng (2) counts of Murder, (3) Counts of Attempted Murder at Frustrated Murder.
Inaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest na may petsang February 15, 2021 na inisyu ni Hon. Judge Magnolia Cayetano ng RTC Branch 56, San Carlos City.
Sa ngayon ay nakakulong na ito sa Urbiztondo Police station.