BOMBO DAGUPAN- Kinitil ng isa sa mga suspek sa pumaslang kay Percival “Percy Lapid” Mabasa, isang broadcaster, ang kaniyang buhay habang inaaresto na ito ng mga kapulisan sa Batangas ngayon araw ng linggo.

Ayon ky National Capital Region Police Office chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., kinilala ang suspek na si Jake “Orly” Mendoza, 40 anyos, residente ng Baco, Oriental Mindoro.

Aniya, binaril nito ang kaniyang sarili habang nakikipag-usap ang mga kapulisan sa kaniya na pakawalan na nito ang kaniyang mga hostage na mismong live-in partner at anak nito.

--Ads--

Nangyari ang insidenteng ito a Barangay Lumbang sa syudad ng Lipa.

Pagsasalaysay ni Nartatez na kabilang na din ang pinsan nito na nakiki-usap sakaniya.

Umabot ng alas-4 ng madaling araw ang kanilang pakikipag-negosasyon kay Mendoza.

Kalaunan ay pinakawalan din ni Mendoza ang mga ito. At tsaka ito dumeretos sa kanilang paliguan at binaril ang kaniyang sarili sa harap ng mga kapulisan at kaniyang pinsan.