BOMBO DAGUPAN- Tunay ngang “happiest place on earth” ang Disney dahil muling ipinanganak ang tatlong cotton-top tamarin sa Discovery Island ng Animal Kingdom sa Walt Disney World.

Ang Cotton-top tamarin ay isang uri ng primate na nanganganib nang maubos sa mundo.

Pangalawang batch na ang kamakailang pag silang sa mga ito dahil may nauna na noong Enero, ngayon taon.

--Ads--

Samantala, matatagpuan lamang ang cotton-top tamarin sa rain forests sa northwestern Colombia. Kilala ang mga ito sa pagiging friendly at nakitaan na rin sila sa kanilang simpleng kakayahan sa gramatika.

Sa kabila ng pagiging maliit nila, maliliksi ang mga ito at kaya nilang tumalon sa layong 15 feet.

Mayroon na lamang tinatayang 6,000 ang natitiriang cotton-top tamarins sa mundo kaya naturingan na ang mga ito na isa sa mga pinaka-rare na uri ng unggoy. Kaya ayon sa Disney World, nakikipagtulungan na din sila sa iba’t ibang mga organisasyon sa Colombia upang maprotektahan ang mga ito sa pamamagitan ng nalikom sa Disney Conservation Fund.