DAGUPAN CITY- Labis ang pagdadalamhati ng mga kaanak ni Jesus Lopez nang ihatid nila ito sa huling hantungan nito.

Tuluyan nang inilibing si Lopez, isa sa mga nasawing OFW sa naging sunog sa Kuwait, sa bayan ng Umingan.

Alas 9 ng umaga nang inilabas ito sa kanilang bahay at dinala na agad sa Barangay Cemetery.

--Ads--

Pinangunahan naman ng isang pastor sa kanilang lugar ang seremonya at pagdarasal bago ito ipasok sa kaniyang puntod.

Kaugnay nito, hindi napigilan ng mga kaanak ni Lopez partikular na ang kaniyang may bahay na maging emosyonal sa libing nito.

Maliban naman sa mga pamliya, kamag-anak, at malapit kay Lopez, dumalo din ang mga opisyal ng Barangay, LGUs, kawani ng Overseas Workers Welfare Administration, at mga staff ni Sen. Raffy Tulfo.

Samantatala, sinabi ni RJ Renon,Post Arrival Repatriation Center ng Overseas Workers Welfare Administration Regional Office 1 ,naglaan ng P15,000 ang kanilang ahensya para sa funeral transportation ni Jesus Lopez pauwi sa kanilang tahanan. Habang P20,000 ang kanilang ipinamahagi para sa burial assistance nito.

Pagdating naman umano sa scholarship, tinitignan pa ito kung qualified ang naiwang 2 nag-aaral na anak ni Lopez dahil inactive umano ang OWWA membership nito. Gayunpaman, sisikapin nila umano ang tuloy-tuloy na scholarship program na kanilang ipinangako.