Naglabas ng saloobin ang isa sa mga nakaligtas sa sunog sa isang nightclub sana ikinasawi ng hindi bababa sa 59 katao at higit sa 155 ang nasugatan.
Ayon kay Marija Taseva, 19 taong gulang, isa sa mga nakaligtas, naramdaman niyang tinatapakan siya ng mga tao habang lahat sila ay nagsisikap na makalabas sa isang pintuan sa Pulse club sa Kocani.
Nakaligtas si Ms. Taseva, ngunit nasawi ang kanyang kapatid.
--Ads--
Maraming nagluluksa na mga pamilya ang nagtipon sa lugar, kabilang si Dragi Stojanov na nawalan ng anak sa sunog.