Nahanap na ang bangkay ng isa sa 4 na Criminology students na nalunod sa lungsod ng Dagupan.
Nabatid na natagpuan ito sa karagatang bahagi ng barangay Pugaro dito salugsod ng isang mangingisda na si Robet Cabrera,residete sa lugar.
Ayon kay Cabrera, dakong ala singko ng kahapon nakita niya ang bangkay na nakatihaya sa pampang kung kayat agad niyang nilapitan.
Kaagad naman siyang humingi ng tulong sa mga taong naroroon sa lugar.
Ayon naman kay Ryan Narvaza, residete sa lugar na kasama ni Cabrera na nag -ahon sa bangkay, pagkakita sa biktima ay agad nilang nilapitan pero wala nang buhay.
Nagtulong tulong aniya silang mga naroong mga tao para ito ay mai ahon sa tubig.
Nabatid na naimbita ang apat na biktima sa isang pagtitipon sa isang subdivision at nagkaroon ng kasiyahan sa pamamagitan ng paglangoy.
Dito na nalunod ang apat na estudyante kung saan isa agad ang nasawi , naisugod sa pagamutan ang isa habang 2 ang nawawala.
Ngunit madaling araw kahapon ay natagpuan naman ang bangkay ng isa sa mga nawawalang biktima habang ala singko na ng hapon kahapon nahanap ang ikaapat na biktima.