Naaresto ang isang lalaki matapos holdapin ang isang convenient store sa Brgy. Poblacion, Villasis, Pangasinan habang 2 kasama nito pinaghahanap pa ng otoridad.
Ayon sa Villasis PNP, base sa imbestigasyon, pumasok ang tatlong suspek sa store at nagdeklara ng holdap sa cashier.
Tinangay dito ang nasa ₱200,000 na cash at dalawang cellphone.
Nang naireport ito sa kapulisan, agad na naglunsad ng hot pursuit operation ang PNP matapos ang insidente.
Natunton naman ang isa sa mga suspek sa pamamagitan ng GPS ng isang cellphone na ninakaw, nang sumakay ito sa isang bus na patungong Bataan.
Nakuha sa suspek ang dalawang caliber .45 pistol, tatlong magazine na may tig-pitong bala, mga cellphone, isang bag, at pera.
Nakatakas naman ang dalawang suspek na sumakay sa motorsiklo.
Sa ngayon ay nahaharap ang nahuli sa kasong may kaugnayan sa kanyang paglabag.










