Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Binmaley Police Station ukol sa nangyaring ambush na ikinamatay ng isang katao sa brgy. Lomboy, Binmaley, Pangasinan.

Ayon kay Pltcol. Genevieve Poblete Chief of Police ng nabnggit na himpilan, kinilala ang nasawing biktima na si Peter Uba, residente ng brgy Poblacion sa bayan ng Mangaldan.

Kasama ng biktima ang may bahay nito nang mangyari ang insidente ngunit sa kabutihang palad, itoy nakaligtas.

--Ads--

Nakakalap ang mga kasapi ng SOCO ng 15 na basyo ng 9mm na baril sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ngayon ay inaalam pa din ang motibo sa likod ng insidenteng ito at batay na din sa kanilng isinagawang imbestigasyon walang natitalang kahit na anumang record ang biktima sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay poblete, ito na ang pangatlong insidente ng shooting incident ang naitala sa kanilang nasasakupan.

Pltcol. Genevieve Poblete Chief of Police-Binmaley

Paalala naman ng opisyal sa publiko na kung sakali mang mayroon pa silang nalalamang impormasyon ukol sa .pagkakakilanlan ng mga suspek ay agad ipaalam sa kanilang himpilan upang tuluyang malutas ang nasabing insidente.