Binawian ng buhay ang isang 39 anyos na helper mataps na masuffocate sa loob ng isang balon sa bayan ng Anda, Pangasinan.
Nakilala ang biktima na si Salvador Camasen, tubong Mobo, Masbate at kasalukuyang nakatira sa Barangay Awile, Anda.
Ayon kay police lt. Xernan Padlan, OIC ng Anda PNP, napag alaman kay Zaldy Cacho , 45 anyos at amo ng biktima, bumaba umano ang biktima sa loob ng balon upang gumawa sana ng butas sa loob upang maging maayos ang daloy ng tubig ngunit makalipas ang ilang minuto ay nagreklamo ang biktima dahil sa hindi magandang amoy sa loob ng balon.Makalipas ang ilang sandali ay nawalan na ng malay ang biktima habang nasa loob ng balon.
Agad na kinontak ang BFP ,LDRRMO at PNP para sa gagawing pagkuha sa biktima sa loob ng balon.
Nagsagawa ng retrieval operation ang mga otoridad at nang maiahon ay isinugod ang biktima sa Rural Health Unit pero deneklarang dead on arrival.
Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad. Inaalam ng pagsusuri para alamain ku anong nalanghap ng biktima na nang dhilan ng pagkahilo at pagkamatay ng biktima.




