Ibinulgar ni Atty. Resty Osias, DepEd Director IV at Bids and Awards Committee VI Chairperson, sa ikatlong pagdinig ng House panel na nakatanggap din siya ng mga sobre na may laman na pera noong termino ni Vice President Sara Duterte sa pagiging kalihim ng Department of Education.
Aniya, nang matanggap it ay inakala niya lamang na gawain ito sa naturang departamento dahil baguhan lamang siya nang mangyari ito noong April 2023.
Saad pa niya na wala siyang ideya kung bakit siya pinapatawag sa opisina ni ASEC. Shine Fajarda at doon na rin siya inabutan ng sobre na kaniyang napag-alaman na may nilalaman na pera.
Apat na beses umano siyang ipinatawag sa pagitan ng buwan ng Abril hanggang Setyembre noong 2023 at sa pagitan din ng P12,000 hanggang P15,000 ang kaniyang natatanggap.
Natigil lamang ito noong fourth quarter ng parehong taon.
Giit naman ni Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano na sumakto ang pagtigil sa pagbibigay ng sobre kay Osias noong hindi panahon na hindi na nagagamit pa ng DepEd ang confidential funds dahil pumutok na ang issue na ito.