Isa pang Low Pressure Area (LPA) ang ganap nang naging tropical depression, ayon sa PAGASA .

Huling namataan ang tropical depression sa layong 520 kilometro kanluran ng Calayan, Cagayan, sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Taglay ang maximum sustained winds na 45 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometro kada oras. Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.

--Ads--

Samantala, napanatili naman ang lakas ng Tropical Depression Neneng sa karagatang silangan ng bansa.

Ayon sa state weather bureau huling namataan ang bagyo sa layong 775 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay ang maximum sustained winds na 45 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras at hindi inaasahang magla-landfall sa bansa.

Bagama’t hindi inaasahang magla-land fall sa kalupaan ay asahan parin daw ang pinalakas na Habagat na magdadala ng mga malalakas na bugso ng hangin at pag-ulan.

Sa ngayon, wala pang ibinababang Tropical Cyclone Wind Signal sa alinmang bahagi ng bansa.

Sa Miyerkules, Agosto 19, asahan na raw ang ganitong kondisyon sa ilang lugar sa bansa.

Mula Huwebes hanggang Agosto 20, posibleng maranasan naman ang malalakas na bugso ng hangin sa karamihan ng Luzon at Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Davao Region.

Samantala, itinaas naman ang Orange rainfall warning sa Metro Manila, Zambales, Bulacan, CAvite, Rizal, Pampanga, at Batangas habang red naman sa Bataan, at nalalabing bahagi ng Batangas at Cavite.

Ibayong pag-iingat dahil sa posibleng pag-baha at landslide sa mga nabanggit na lugar. | via Bombo John Florez