Kasabay sa pagdiriwang ng Colon Cancer Awareness Month ngayong buwan ng Marso mahalahang magkaroon ng kaalaman ang bawat isa hinggil dito.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Glenn Joseph Soriano – US Doctor and Natural Medicine Advocate karaniwang nakukuha ang ganitong sakit dahil sa hindi magandang lifestyle ng isang tao.
Gaya na lamang ng hindi pagkakaroon ng proper eating habits at ang pagkahilig sa sedentary lifestyle.
Ayon kay Dr. Soriano nagsisimula ang colon cancer bilang isang maliit na parang ‘tigywat’ kung ihahambing sa loob ng ating intestine kung saan kapag ito ay laging nagagalaw ay unti-unti itong nadedevelop hanggang sa maging ganap na cancer.
Aniya na karaniwan itong tumutubo sa dulo ng colon ng tao o di naman kaya ay sa rectum.
Maraming mga sanhi o dahilan kung bakit nagkakaroon ng ganitong sakit ang isang tao.
Isa mahalagang salik din ang irregular ng pagbabawas marahil kailangan ang tao ay araw-araw na nagbabawas bagama’t ay hindi maganda sa ating kalusugan kung aabutin ng 2-3 bago magbawas o dumumi.
Kaya’t panawagan nito sa lahat na kapag nakaramdam ng mga sintomas nito ay mainam na magpunta agad sa ospital at magpakonsulta.