Tinuligsa ng Iran ang peace proposal ng United States para tapusin ang digmaan sa Middle East, na tinawag nitong “unrealistic, illogical, at excessive.” Kasabay nito, naglunsad ang Iran ng panibagong missile strikes laban sa Israel.
Lalong lumawak ang tensyon nang makisali sa labanan ang mga Houthi rebels mula Yemen at ang Hezbollah sa Lebanon, na kapwa nagsagawa ng pag-atake sa Israel.
Bilang tugon, sinabi ng militar ng Israel na nagsagawa ito ng airstrikes sa mga target na imprastraktura militar sa Tehran at Beirut.
Dahil sa patuloy na kaguluhan, muling tumaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, na nagpalala sa pangamba hinggil sa suplay ng enerhiya.
Nagbabala naman si US President Donald Trump sa Iran na panatilihing bukas ang Strait of Hormuz—isang mahalagang ruta ng oil at gas shipments—o haharap ito sa posibleng pag-atake ng US sa mga energy facilities ng bansa.










