Nahaharap ngayon sa leadership crisis ang Iran matapos ang mga ulat nang pagkamatay ng matataas na opisyal nito tulad ni Iran’s Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei.
Lalo pang lumala ang krisis dahil sa mga ulat na umano’y ang kanyang pansamantalang kahalili, ay nasawi din na nagdulot ng kaguluhan sa pulitika ng bansa.
Kasabay ng pagkamatay ni Khamenei, ilang mataas na opisyal ng Iran ang nasawi sa isinagawang ”Operation Epic Fury” ng Estados Unidos at Israel noong Pebrero 28, 2026.
Kabilang sa mga ulat na namatay ay:
General Abdol Rahim Mousavi, Iran’s army chief of staff
General Aziz Nasirzadeh, Defence Minister
Major General Mohammad Pakpour, Revolutionary Guard’s top commander
Ali Shamkhani, Top security adviser to Khamenei.
Iniulat rin ng state media ng Iran na nasawi ang ilang miyembro ng pamilya ni Khamenei, kabilang ang kanyang anak na babae, apo, bayaw, at manugang na babae.
Kinumpirma naman ng Israel Defence Forces (IDF), na napatay din nila ang iba pang mataas na opisyal ng Iran:
Saleh Asadi, Head of the Intelligence Directorate of the Khatam al Anbiya emergency command
Mohammad Shirazi, Head of the military bureau
Hossein Jabal Amelian, Head of SPND (Organisation of Defensive Innovation and Research)
Reza Mozaffari-Nia, Former head of SPND and former deputy defence minister.
Mga pansamantalang hahalili sa bansa
Bilang tugon sa krisis, itinatag ng Iran ang temporary leadership council upang pamahalaan ang bansa at gampanan ang tungkulin ng supreme leader.
Kabilang sa konseho sina:
Masoud Pezeshkian, Iran’s reformist president
Gholamhossein Mohseni Ejei, The hard-line head of the judiciary
Alireza Arafi, Member of Iran’s Guardian Council and head of the Basij, a volunteer paramilitary force.
Ani Iran’s parliamentary speaker Mohammad Bagher Qalibaf, mayroon na umano silang plano para sa susunod na hahalili sa bansa.
”You’ll see that after the leadership council is formed, the power and integrity of officials, defensive forces and the people will be beyond imagination,” dagdag niya.
Sino ang pipili sa bagong Supreme Leader?
Habang ang temporary leadership council ang namumuno sa ngayon, ang Assembly of Experts o 88-miyembro ng panel na karaniwan ay mga Shia clerics, ang may tungkuling pumili ng bagong leader.
Ang mga miyembro nito ay inihahalal bawat walong taon at sinusuri ng Guardian Council, na kilala sa pag-disqualify ng mga kandidato.
Kaugnay nito hindi pinayagan ang dating Iranian president na si Hassan Rouhani Rouhani, na lumahok sa halalan sa Assembly noong Marso 2024.
Sa ilalim ng vilayat-e faqih (guardianship of the Islamic jurist), ang supreme leader ay dapat may mataas na kapangyarihang pampulitika at panrelihiyon.
Hindi ipinahayag ni Khamenei ang kanyang kahalili bago siya namatay, kaya’t malabo ang hinaharap ng liderato.
Ang kanyang anak na lalaki, Mojtaba Khamenei, 56 taong gulang, ay itinuturing na posible niyang kahalili. Bagaman hindi pa naglingkod sa gobyerno, kilala siya bilang mahigpit at may koneksyon sa Revolutionary Guard.
Si dating Iran’s President Ebrahim Raisi, na minsang tinuturing na posibleng susunod na pinuno, ay namatay sa isang helicopter crash noong Mayo 2024, na lalong nagpalabo sa mga plano sa succession ng Iran’s supreme leader.










