Sa gitna ng 12-araw na ceasefire na inanunsyo ni US President Donald Trump, muling nakatanggap ng missile attack mula sa Iran ang ilang bahagi ng Israel.

Ayon kay Eric Calma Regala – Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa dalawang beses nag-alarm noong umaga ang kanilang mga telepono maging ang mga sirens bilang babala sa paparating na mga missiles.

Agad naman silang nagsilikas at nagtungo sa mga bomb shelter, kung saan sila nanatili habang naghihintay ng hudyat na ligtas nang lumabas.

--Ads--

Aniya na walang pinipiling oras ang pagpapadala ng missile ng Iran, kung kaya’t kapag narinig na nilang tumunog ang alarm ay otomatiko na silang nagtutungo sa bomb shelter.

Sa pinakahuli pag-atake ay may naipaulat na nasawi.

Kaugnay nito ay may ilang Pilipino rin na nasugatan at nawalan ng tirahan, ngunit patuloy pa ang pag-verify ng embahada.

Agad namang kumilos ang Embassy ng Pilipinas sa Israel, na ayon sa kanila ay handang tumulong sa mga kababayan nating nais nang mag-repatriate.

Tiniyak naman nito na hindi sila pinababayaan ng kanilang mga employer sa gitna ng tensyon na nararanasan.

At sa kabila ng anunsyong ceasefire, hindi pa rin malinaw ang kalagayan ang lahat dahil sa patuloy na mga opensiba.

Nananawagan naman ito sa magkabilang panig na ituloy na lamang ang usapang kapayapaan para sa kaligtasan ng lahat.