Iginiit ng bansang Iran na mananatili sa kanilang kontrol ang Strait of Hormuz sa kabila ng pahayag ni United States President Donald Trump na maaari niya itong ideklarang teritoryo ng Amerika.

Ayon kay Iranian Deputy Foreign Minister Kazem Gharibabadi, pagmamay-ari ng Iran ang naturang estratehikong daanan at tanging Tehran ang may kapangyarihang magpasya kung kailan ito bubuksan o isasara.

“The Straight of Hormuz has been Iranian, is Iranian, and will remain Iranian,” saad ni Iranian Deputy Foreign Minister Kazem Gharibabadi.

--Ads--

Nauna nang sinabi ni Trump sa isang political rally sa New York na maaari niyang angkinin ang Strait of Hormuz matapos umanong talunin ng Estados Unidos ang Iran.

Mahalagang ruta ng pandaigdigang kalakalan ng langis ang Strait of Hormuz na nag-uugnay sa Persian Gulf at Gulf of Oman.

Nananatiling limitado pa rin ang pagdaan ng mga barko sa lugar matapos itong ipasara ito ng Iran kasunod ng pagsiklab ng tensyon at digmaan sa Middle East. // John Michael Solomon