Ipinahayag ni Iranian Ambassador to the Philippines Yousef Esmaeilzadeh ang kahandaan ng Iran na tumulong sa Pilipinas, kasabay ng hiling ng pamahalaan na italaga ang bansa bilang “non-hostile” upang matiyak ang ligtas na paglalayag ng mga barkong may bandilang Pilipino at suplay ng langis.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, ginawa ang pahayag ng embahador sa pulong kasama sina Maria Theresa Lazaro at Sharon Garin.

Inilarawan ni Castro ang pagpupulong bilang mainit at bukas, na nagpapakita ng kahandaan ng Iran na makipagtulungan.

--Ads--

” Amb. Esmaeilzadeh noted that they have been awaiting our outreach and reaffirmed their strong willingness to assist the Philippines with our specific requests,” pahayag ni USec. Castro.

Hiniling ni Lazaro na pormal na kilalanin ang Pilipinas bilang “non-hostile country” at tiyakin ang ligtas na pagdaan ng mga barko at oil shipments mahalaga para sa seguridad ng mga seafarer at suplay ng enerhiya ng bansa.

Inaayos na rin ng Department of Energy ang mga detalye upang agad itong maipadala sa diplomatic channels, habang inaasahan na makakausap ni Lazaro ang Iranian Foreign Minister upang matiyak ang kasunduan sa pinakamataas na antas.

Agad namang iniulat nina Lazaro at Garin ang usapin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

” Sec. Lazaro requested that Iran formally designate PH as a “non-hostile country” and ensure safe passage for PH-flagged vessels and oil shipments. This is vital for ther protection of our seafarers and our energy suply. DOE is finalizing the necessary details for immediate transmission,” dagdag pa ni USec. Castro.