Tinanggal na ang ipinatutupad na Extreme Enhanced Community Quarantine (EECQ) sa bayan ng Agno matapos makapagtala ng apat na kaso ng covid19 sa bayan kung saan lahat sila ay mga frontliners.
Ayon kay Lenore Rosete, Public Information Officer ng bayan ng Agno, nasa stable na kalagayan na ang lahat ng covid19 patients at nasa isolation facility na rin ang mga ito na matatagpuan sa Barangay Magsaysay sa naturang bayan.
Sa pag lift ng EECQ ay inaasahan ang bahagyang kaluwagan sa nasabing bayan pero hindi pa rin nawawala ang mga precautionary measure laban sa covid19.
Matatandaan na pansamantalang inilagay sa EECQ ang Bayan ng Agno mula 12:00AM ng madaling araw noong June 8, 2020 hanggang 12:00AM ng madaling araw nitong darating sanang June 13. Ang safety measure na ito ay para sa malawakang Contact Tracing.