Dagupan City – Ipinaliwanag ng Department of Health (DOH) ang kahalagahan ng talakayin sa Iodine Deficiency Disorders (IDD) na isa ngayon sa nagiging suliranin ng bansa.
Kung saan binigyang diin ni Bella Basalong, National Program Coordinator, National Nutrition Council – CAR ang batas na ASIN Law o ang RA 8172 na nagre-require sa lahat ng food-grade salt na nakukuha ng mga tao o hayop mula sa lokal, imported, traded o distrubuted, o ang mga iodized salt sa processed foods at food establishments.
Ang RA 11985 ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong marso ngayong taon (2024) na naglalayong palakasin ang revitalize ng salt industry sa bansa.
Dagdag pa rito, ang bagong batas ay nakikitaan na mapataas ng produksiyon ng asin at maging bagong exporter ng asin ang bansa.
Matatandaan na ipinag-uutos din ng RA 11985 ang pagtatatag ng limang taong roadmap na naglalayong buhayin at gawing moderno ang industriya ng asin, na naaayon sa mga layunin at patuloy na pagpapatupad ng RA 8172, o An Act for Salt Iodization Nationwide.