Dagupan City – Matagumpay na isinagawa ang International Coastal Clean Up sa San Fabian sa pangunguna ng SM Thru Cares – SM Center Dagupan.
Ayon kay Eileen V. Delos Santos – Mall manager ng SM Dagupan City, ang aktibidad ay isinagawa ng simultaneous sa buong Pilipinas bilang bahagi sa ika-40th year ng kumpanya.
Target nila ang 40,000 volunteers sa buong SM malls na makikibahagi sa coastal clean up.
Bukod sa coastal clean up, isinagaawa rin nila ang tree planting activity ng mga 200 coconut seedlings mula sa provincial government at itinanim sa bahagi ng brgy. Bolasi at Mabilao.
Umabot naman sa mahigit 300 ang mga nagparehistro para makiisa sa naturang aktibidad at inaasahan din itong aabot sa 400 bilang.
Pinili naman ang bayan para sa aktibidad dahil kilala rin ito bilang tourist destination.
Kaugnaay nito binigyang diin din ang pagkaroon ng proper segregation sa mga basura kung saan inihihiwalay ang mga nabubulok, di nabubulok, recyclable at iba pa.
Samantala, ipinaabot naman ni Antonio Supremido, Senior environmental management specialist ng MENRO San Fabian ang kanilang pasasalamat sa SM Thru Cares sa kanilang inisyatiba sa pagpili ng bayan.
Dito na rin nabigyang diin ang kahalagahan ng framework ng Republic Act 903 sa tamang paghihiwalay ng basura at ang pinagmumulan nito.