DAGUPAN CITY–  Nilahukan ng iba’t-ibang stakeholders ang isinagawang  International Coastal Cleanup dito sa lungsod ng Dagupan, partikular na sa Tondaligan Blue Beach, ngayong araw, Setyembre 20.

Nabatid na isa ang lungsod sa mga napiling pagganapan ng naturang pangkalikasang aktibidad.

Layon ng naturang program na ipabatid ang kahalagahan ng pangangalaga sa ating mga karagatan na isa sa pangunahing nagbibigay sa atin ng pangkabuhayan.

--Ads--

Hinihikayat din ang lahat na makibahagi sa naturang aktibidad at isabuhay ang pangangalga sa karagatan hindi lamang tuwing mayroong cleanup drive.

  Bukod sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dagupan, makikiisa din ang mga estudyante sa iba’t-ibang paaralan sa lungsod, mga pribadong indibiduwal at ang mga grupo ng Ocean Conservancy at International Coastal Cleanup Philippines.