DAGUPAN CITY- Nagbabala ang International Atomic Energy Agency (IAEA) na maaaring magsimulang muli ang Iran sa uranium enrichment para sa posibleng paggawa ng nuclear bomb sa loob lamang ng ilang buwan.
Ayon kay Rafael Grossi, pinuno ng IAEA, nananatiling buo ang kakayahan ng Iran sa kabila ng mga pambobomba ng US at Israel sa kanilang mga nuclear site.
Noong Hunyo 13, inatake ng Israel ang ilang nuclear at military sites ng Iran.
Kasunod nito, tatlong pasilidad ang binomba ng US.
Ngunit, ayon sa IAEA at sa isang lumabas na ulat mula sa Pentagon, ilang buwan lamang ang itinagal ng pagkaantala sa programa ng Iran.
Idinagdag niyang nananatili ang industrial technology capacity ng Iran upang muling pasiglahin ang kanilang nuclear program, na matagal nang pinangangambahang magresulta sa paggawa ng sandatang nuklear.