Kinumpirma ni Iran President Masoud Pezeshkian na napaslang umano ang kanilang intelligence minister na si Esmail Khatib sa isinagawang air strike ng Israel.
Duwag na pagpaslang kung tawagin ni Pezeshkian ang ginawang hakbang ng Israel.
Nangyari umano ito isang araw matapos ianunsyo ng Israel na napaslang din nito ang top security official ng Iran na si Ali Larijani at ang ulo ng paramilitary Basji force na si Gholamreza Soleimani.
--Ads--
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Pezeshkian sa mga tao ng Iran at tiniyak nito na ipagpapatuloy nito ang tinatahak ng mga nasawing opisyal.










