BOMBO NEWS ANALYSIS – Hindi masisisi kung maturingang mahina ang intel network ng kapulisan dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa nadarakip ang mga puganteng sina sina dating BuCor Chief Gen. Gerald Bantag, Pastor Apollo Quiboloy, at ang huli ay si dating Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac.

Si Bantag ay halos isang taon na rin hinahanap ngunit hanggang ngayon ay wala pang nakukuhang inpormasyon ang kinauukulan.

Si Quiboloy naman ay mahigit isang buwan nang hinahanap ng sanib-puwersa ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ngunit hindi pa rin matunton.

--Ads--

Sa kabila ng milyong pisong reward na ibinibigay ng gobyerno sa sinomang makapagtuturo ay wala pa rin resultang nakikita.

Si Guo naman ay inakusahan ng sandamkmak na kung ano-ano ay bigla na lamang hindi sinipot ang pagdinig ng Senado at halos isang buwan na rin nawawala.

Ang mga nasabing tao na hanggang sa kasalukuyan ay nagtatago at pawang mga bilyonaryo ay siguradong malakas pa rin ang impluwensiya sa matataas na opisyal ng bansa partikular sa mga politiko.

Kung sinasabing si Guo ay nakapasok nang ilegal sa bansa gamit ang mga pekeng dokumento, hindi malayong makalabas din siya sa bansa sa ganon ding estilo.

Ganun din si Quiboloy ay kayang doblehin ang reward money ng gobyernno at malamang nagagamit niya ang kanyang impluwensya at pera kaya hindi siya matunton ng mga law enforcers.

Naiinip na ang taumbayan sa paghihintay ng resulta mula sa mga awtoridad. Malaking hamon sa kapulisan ang paghahanap sa mga puganteng ito gawin lahat ng paraan upang hindi sila maturingan na mahina.