DAGUPAN CITY- Maaaaring magdulot ng iba’t-ibang sakit o komplikasyon ang isang taong may insulin resistance.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Doc. Wilsky Delfin, isang Naturopathic Doctor, Herbalist, Natural Spine Alignment Specialist, kailangang bantayan ng isang tao ang kaniyang sugar intake upang ma-maintain ang insulin sa katawan.

Aniya, nakaaapekto ang lifestyle ng isang tao kung bakit hindi nareregulate ang glucose o isang uri ng asukal.

--Ads--

Isa sa mga maaaring maging sanhi ang insulin resistance ay ang sobrang pagkain ng white rice o kanin, mga processed foods at mga matatamis na inumin tulad ng softdrinks.

Dagdag niya, importante ang exercise sa isang taong mahilig kumain.

Ilan aniya sa mga maaaring makuhang sakit at komplikasyon sa pagiging insulin resistance ay diabetes, pagtaas ng high blood pressure, pagiging acidic at obesity.