Muling nagsagawa ng mahigpit na inspeksyon ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection o BFP Dagupan sa mga paupahang silid o boarding houses na malapit sa malalaking paaralan dito sa lungsod.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Fire Chief Inspector Georgian Pascua ang hepe ng BFP Dagupan, sinabi nito na mayroon naman ng ilang mga paupahan ang nakitaan nilang nakasunod na sa itinatakdang Fire Code of the Philippines. Subalit sa kanilang muling paglilibot, marami pa rin umano silang nakitaan ng ‘violation’ o paglabag tulad na lamang ng kakulangan ng sapat na fire alarm, smoke detector at emergency light.

Bukod sa nabanggit na kakulangan ay mayrron din aniya silang nakitang depekto sa mga paupahang tirahan tulad ng walang maayos na fire exit o tamang lagusan na maaring takbuhan sakaling magkaroon ng sunog o emerhensya sa lugar.

--Ads--

Kaugnay nito, nagbigay na ng rekomendasyon ang BFP sa mga may –ari ng paupahang bahay na may paglabag sa Safety Standards at hiniling ang kooperasyon ng mga ito para sa kaligtasan ng lahat at maiwasan ang mga insidenteng may kaugnayan sa sunog.

Ang naturang aktibidad ay nakatuon sa pagsusulong kaligtasan ng mga ukopante partikular na ang mga estudyante na mananatili sa mga boarding house o dormitoryo ngayong panahon ng pasukan. with report from Bombo cheryl Ann Cabrera