Bumaba ang naitalang sunog sa region 1 ngayong taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay FSInsp. Atty. Benrae Valmonte, Public Information Officer ng Bureau of Fire Protection o BFP Region 1, naging maganda at matagumpay ang kanilang fire prevention campaign.

Sa kanilang tala noong 2023, umabot sa 156 ang naitalang sunog habang 112 naman ang naitalang sunog noong 2024 at nitong March 30, 2025, ay mas bumaba pa sa 90 ang naitalang sunog sa buong region 1.

--Ads--

Sinabi ni Valmonte na nagpapatunay na epektibo ang kanilang programa dahil tumaas ang kamalayan ng mga tao at maraming nakiisa sa kanilang mga aktibidad.

Marami umanong nakipag participate sa programa mula sa ibat ibang ahensya ng gobyerno at maging sa mga private organization at private business establishments.

Dagdag pa niya na ang fire prevention ay hindi lang dapat ginagawa sa buwan ng Marso kundi araw araw na ibayong pag iingat ang gagawin.

Dapat mas mapag bantay pa umano ngayong buwan ng Abril dahil papasok na ang mas mainit na panahon.