Pinabulaanan ni Dr. Rheuel Bobis , medical officer 4 ng DOH Region 1 ang napaulat na may naturukan ng expired moderna vaccine sa region 1.

Ayon kay Bobis, lahat ng bakuna na binibigay sa mga local government unit (LGUs) at itinuturok sa mga tao ay pasok sa shelf life.

Katunayan ay may emergency used authorization dated February 18 2022 na nag papalawig umano sa shelf life ng mga bakuna.

--Ads--

Inihalimbawa nito na sa Moderna vaccine mula 7 buwan ay ginawang 9 na buwan ang shelf life nito.

Ibig sabihin madadagdagan ng 2 buwan ang expiration date nito.

Halimbawa ang nasa level ng bakuna ay mag eexpire ng December 21, 2021 ang magiging panibagong expiration nito ay sa darating pang February 21 2022 dahil pinalawig ng FDA ang shelf life.

Paliwanag pa niya na hindi lang basta pinapalawig ang shelf life ng bakuna kundi pinag aralan pa ng FDA.

Giit pa niya na lahat ng bakuna ay dumaan sa masusing pag aaral at pagsusuri ng Food and Drug administration.

Dagdag pa ni Bobis na walang nasasayang na bakuna sa rehiyon dahil lahat ay minomonitor kaya kapag may bakuna na malapit nang lumagpas sa shelf life ay agad na pinu-pullout mula sa LGU.