Mga kabombo! Naging isa ka na rin ba sa mga napaniwala sa mga bed monsters? Sinubukan mo na bang sinilip ang ilalim ng iyong kama? Kung ganon, ano ang iyong nakita?
Arestado kase ang isang 27 anyos na lalaki sa Kansas nang matagpuan ito sa ilalim ng higaan ng isang bata matapos itong magreklamo sa kaniyang babysitter dahil sa di umano’y bed monster.
Dahil gustong patunayan ng kanilang babysitter na hindi ito totoo, sumilip ito sa ilalim ng nasabing higaan at ikinagulat nito nang makita ang dating residente ng bahay.
Hindi naman naging madali ang sitwasyon dahil nagkaroon pa ng panlalaban ang suspek upang takasan ito. Hindi nila ito nagawang mapigilan at napatumba na lamang ang babysitter at ang alaga nito.
Bagaman nagawa nitong makatakas bago pa dumating ang mga kapulisan subalit, naging saglit lamang ang paghabol sa kaniya.
Kinaumagahan ay dinala ito sa kustodiya ng kapulisan at nahaharap sa mga kasong aggravated kidnapping, aggravated burglary, aggravated battery, child endangerment, felony obstruction of a law enforcement at paglabag sa protection from abuse order.
Mayroon naman itong bailbond na nagkakahalagang $500,000.
Napag-alaman naman na 10 araw bago mangyari ang insidente ay nakapagpyansa ito sa mga kasong criminal threat, domestic battery, at paglabag din sa protection mula sa abuse order sa mga insidenteng kinasangkutan nito noong Enero at Pebrero.