DAGUPAN CITY- Umabot na sa 13,578 na kaso ng mga influenza-like illnesses sa buong rehiyon, batay sa datos noong Disyembre 2024.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV ng Department of Health Region 1, ito ay mayroon 22% na pagtaas kumpara noong 2023.

Aniya, laganap ang influenza-like viruses tuwing panahon ng taglamig.

--Ads--

Ito ay isang impeksyon na may kasamang lagnat na nagsisimula sa sampong araw at ito ay nakakahawa rin.

Maliban pa riyan, tuwing taglamig din nagkakaroon ng trigger ang mga arthritis, partikular na ang osteoarthritis.

Kaya inirerekomenda ni Dr. Bobis na mas mabuting lumapit na sa mga doktor at huwag na lamang mag self-medicate upang tiyak ang gamot na mainom.

Sa kabilang dako, batay sa datos noong Setyembre 2024, nakapagtala na ng 3,837 na mga kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa buong rehiyon uno.

Pinakarami umanong naitala sa lalawigan ng Pangasinan, kung saan 37 rito ang nasa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Dr. Bobis, patuloy pa rin ang may mga nahihiyang magpasuri sa doktor dahil sa nararanasang diskriminasyon.

Dagdag pa niya, nilinaw niya na malinis ang mga ginagamit ng bawat laboratoryo para sa pagkukuha ng dugo.