DAGUPAN CITY- Nakababahala ang pagsipa ng mga kaso influenza sa bansang Japan lalo na sa mga lugar na maraming mga turista.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa bansang Japan, nakaka-alarma ang mga lumalabas na balitang dumarami ang mga kaso ng inlfuneza sa nasabing bansa kung saan maaari ring maapektuhan ang mga kababayang naroroon.
Aniya, sa ibang mga lugar ay umaabot ng higit isang 100 ang mga kaso bawat araw ngunit magkakaiba ito bawat region.
Dahil sa pagtaas ng turismo sa nasabing bansa ay siya ring tila pataas nang pataas ang pagsipa ng nasabing sakit, lalo na sa mga labas pasok sa bansang Japan.
Samantala, naglabas na rin ng advisories ang ilang mga bansa upang magkaroon ng kamalayan ang mga mamamayan, pati na rin ang mga turista at mga taong nais bumisita sa nasabing bansa .
Sa ngayon ay kontrolado naman ng kanilang pamahalaan ang nangyayari sa buong lugar.