Inaasahan ng Asian Development Bank (ADB) na babagal ang inflation sa bansa habang pinanatili ang growth forecast nito para sa Pilipinas.
Sa inilabas na Asian Development Outlook para sa September 2024, sinabi ng banko na umaasa ang mga ito na babagal ang inflation sa Pilipinas ng 3.6 percent ngayong 2024, mula sa April projection nito na 3.8 percent.
Batay sa ulat, sumasalamin ito sa napananatiling pagbagal sa pagtaas sa presyo ng pagkain, bahagyang dahil sa mas mababang taripa sa imported na bigas.
Kung saan sinabi ng banko na ang inflation ay inaasahang babagal pa sa 3.2 percent sa 2025 kumpara sa naunang pagtaya na 3.4 percent.
Dagdag pa ang tinatayang lalaki rin ng gross domestic product dahil sa broad-based domestic demand.
Dahil dito ang ekonomiya ng Pilipinas ay lumago ng 6.3 percent sa second quarter sa gitna ng construction boom.