Dagupan City – Bumaba ang inflation rate sa lalawigan ng Pangasinan sa 2.6% noong Enero 2025 para sa lahat ng antas ng kita.

Ayon kay Ferdinand Q. Jocutan, Supervising Statistical Specialist ng Philippine Statistics Authority (PSA)-Pangasinan, ang naturang inflation rate ay mas mabagal kumpara sa 2.8% noong Disyembre 2024, ngunit mas mataas kumpara sa 2.1% na naitala noong Enero 2024.

Kabilang sa mga pangunahing dahilan ng pagbaba ng inflation noong Enero 2025 ay ang mga sektor ng Housing, Water, Electricity, Gas, and Other Fuels, mga serbisyong pang-edukasyon, furnishing, kagamitang pang-sambahayan, at maintenance ng bahay.

--Ads--

Habang patuloy namang binabantayan ng PSA ang galaw ng inflation rate sa lalawigan upang masiguro ang tamang datos na maaaring gamitin ng mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya para sa kanilang mga polisiya at hakbang sa pag-stabilize ng presyo ng mga bilihin.

Sa food group naman, naitala ang mga sumusunod na inflation rates:

  • Meat at iba pa: 6.3%
  • Fish at seafood: 5.2%
  • Gatas, dairy products, at itlog: 2.0%
  • Prutas at mani: 5.4%
  • Gulay, tubers, at iba pa: 37.8%