DAGUPAN, CITY— “Kasunod nang problema matapos ang eleksyon ang inflation.”

Ito ang pananaw ni Atty. Oscar Orbos, isa sa 50 outstanding Alumni ng UP School of Economics sa nakalipas na 50 taon, ukol sa kinakaharap ngayon ng Pilipinas na pagtaas muli ng inflation matapos ang halalan ngayon taon.


Ayon kay Orbos, kadalasan na umano itong kinakaharap ng uupong administrasyon matapos ang eleksyon dahil na rin sa dami ng gastos ng pera na lumabas sa panahon ng kampanya at gayundin sa consistent na pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing produkto sa mga nakalipas na buwan.

--Ads--


Nadagdag din umano ang transisyon ng COVID-19 na sa nakakaapekto pa rin sa pagbaba ng produksyon, mataas na pangangailangan ng mga mamamayan at maraming pera ang lumabas sa iba’t ibang mga pangangailangan ng mga tao.


Kaya naman saad ni Orbos, mas mainam na matugunan ng paparating na admisitrasyon ang mga pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino at gayundin na makontrol ang inflation sa bansa.


Kailangan umano na tutukan ito dahil higit na mahihirapan ang mga nasa mababang sektor ng bansa na apektado pa rin ng kawalan ng trabaho at patuloy na pagtaas ng presyon ng mga bilihin.